Ryza nakipagtarayan sa mga fan ni Maine

tonite-imo-vinia-vivarHindi inurungan ni Ryza Cenon ang mga fan ni Maine Mendoza nang makipagsagutan siya sa mga ito last Friday. Ang pinag-ugatan ng kanilang sagutan ay ang pangba-bash sa kanya ng mga supporters ng Dubsmash Queen dahil sa insidente sa Metro Manila Film Festival Awards Night last Dec. 27.

Inaakusahan ng mga fan si Ryza na sinadya niyang hindi banggitin ang pa­ngalan ni Maine sa acceptance speech nang manalo ang pelikula nilang “Jack Em Popoy: The Puliscredibles” ng FPJ ­Memorial Award.

Nilinaw ni Ryza sa post niya sa Twitter na hindi siya ang tumanggap ng award kundi ang isang nagngangalang Camille.

“Hi sa lahat ng fans ni @mainedcm na nagagalit sakin dahil hindi ko daw nabanggit ang pangalan nya. Linawin ko lang hindi ako ang tumanggap ng FPJ Memorial Award at pakinggan nyo rin kung ang sinabi ni Ms. Camille ang sabi nya ‘Sa ngalan ng aming Producers’ kaya wag manghusga agd,” ang unang tweet ni Ryza.

Nag-upload din si Ryza ng larawan niya at ng babaeng tumanggap ng award at nilagyan niya ng caption na “mukha bang ako?”

Sunod niyang tweet, “I will not ignore that kind of mentality. Unfair sa mga taong nananahimik tapos idadamay pangalan mo sa hindi mo ginawa. No!!! That’s bullying!!#notobullying.”

Ang ibang fan ni Maine ay humingi naman ng dispensa sa kanya pero ang iba ay nakipagsagutan din kay Ryza.

Isang netizen ang sinagot ng aktres na deleted na ang tweet at aniya, “Yes kailangan nyang malaman. Concern ako sa kanya kasi dapat ang mga fan alam nila dapat ang ginagawa nila dahil bawat bash nila sa ibang tao nag rereflect sa idolo nila yun. At para mapagsabihan din nya.”

Isang fan naman ang sumagot, “Maybe there aren’t real fans of Maine. I’m both a fan of you and Maine so I will both protect you for all the bashers that ruins your names.”

Sinagot naman ito ni Ryza ng, “Kaya dapat sa mga totoong fans maging careful kayo sa bawat salitang sinasabi nyo at sa mga demands na gusto nyo dahil hindi lahat mabibigay sa inyo. At kung mahal nyo mga idolo nyo matuto kayo rumespeto sa ano ang nakikita nyo good side lagi ang tingnan nyo”.

At sa mga nag-sorry naman na mga fan, sabi ni Ryza, “Don’t be hindi ko nilalahat ang fans ni maine mas madami kayong nagmamahal sa kanya. Basta alagaan nyo sya kayo din magdadala sa kanya sa paningin ng ibang tao.

Wag nyong hayaan yung ibang fans/bashers na sirain si maine dahil sa masama nila ugali pleaseee. Di nya deserve yun.”

May isang fan naman na sinabihan siyang tanga at hindi rin ito inurungan ni Ryza.

“Mas tanga ka isa ka ba sa mga fans na nagpapanggap?” sagot ng aktres.

May sumagot din na part ito ng pagi­ging artista niya at hindi rin ito pinalampas ni Ryza. Aniya ay hindi part ng pagiging artista niya ang sirain siya at sisihin sa mga hindi niya ginawa.

Nilinaw rin naman ng aktres na hindi niya nilalahat ang mga fan ni Maine at sinabihan ang mga basher na magbago na.

“Ok lang ako. Happy new year mga bashers magbabagong taon na, baguhin nyo na rin yung makikitig nyong utak. Lagyan nyo ng laman yan… yung makabuluhan naman.okidokie? God bless you all!!!” tweet pa ni Ryza.

***

Dick, Carmi walang relasyon

Balik-tambalan sina Roderick Paulate at Carmi Martin sa “FPJ’s Ang Probisyano.” Once and for all ay natanong kung nagkaroon ba talaga sila ng relasyon ng sexy actress.

Pero ani Kuya Dick ay talagang magkaibigan lang sila ni Carmi noon at ­ngayon.

“Kay Carmi, talagang friendship lang. Pero siyempre, lumalabas kami ni Carmi. Nang time na Dick and Carmi. Parang after the show, labas, parang nun’g din kay Vilma (Santos), ‘yung ‘Vilma’ (show) niya, lagi rin kaming lumalabas na dalawa lang kami. Natsismis din kami ni Vi noon. Eh ganu’n naman talaga ang showbiz,” sey ni Roderick.