Ryzza Mae at Baeby Baste, hinay-hinay na sa pagkain

Baeby Baste Ryzza Mae Dizon

TSINIKA-TSIKA namin si Baeby Baste kahapon sa backstage ng Eat Bulaga.

Ilang araw din kasi silang nagbakasyon sa Hong Kong kasama ang Dabarkads.

In fairness, nag-enjoy si Baeby Baste sa HK, huh!

Ang nanay niya na si Mommy Shiela, sobrang napagod sa katutulak sa stroller ng anak.

“Ang init po kasi sa Hong Kong, siyempre bata, ayaw maglakad kapag masyadong mainit, kaya napagod po ako sa katutulak ng stroller niya,” sey ni Mommy Shiela.

Kahit kasi 4 y/o pa lang si Baeby Baste ay napakalaki na niya, kaya dina-diet-diet na siya ni Mommy Shiela.

Madalas sa backstage ng Eat Bulaga, sinasabihan ni Mommy Shiela si Baeby Baste na ‘yung ibang mga pagkaing gusto niya ay bawal sa kanya.

Ang isa pa ring bata ng Eat Bulaga na kasama sa HK ay si Ryzza Mae Dizon.

Nag-enjoy rin si Ryzza sa bakasyon na ‘yon with the Dabarkads.

Katulad ni Baeby Baste, may mga pagkain na rin na ipinagbabawal kay Ryzza.

Nang minsang magkausap sila ng kanyang nanay sa backstage, narinig namin na pinagbabawalan siya ng ina na kumain ng matataba.

Ipinaalala pa ng nanay ni Ryzza sa kanya na ang doktor ang nagbabawal na kumain siya ng mga ganoong pagkain!

Medyo pumayat na rin si Ryzza!

***

Nakita rin namin kahapon sa backstage ng Eat Bulaga ang TAPE, Inc. lady boss na si Ms. Malou Choa-Fagar.

Pilay pa rin ang kanang kamay ni Tita Malou, kaya hindi siya nakasama sa HK.

Nadulas Tita Malou more than two weeks ago, kaya inoperahan ang kanyang kamay.

Nilagyan ‘yon pansamantala ng bakal para pumantay.

Hirap na hirap si Tita Malou sa kalagayan niya, pero pumapasok na uli siya sa TAPE, Inc. office at paminsan-minsan ay nagpupunta sa Eat Bulaga.

Naaliw kami sa tsikahan kahapon nina Tita Malou at Annabelle Rama (na binantayan ang kanyang mga alahas na gamit ni Ruffa Gutierrez sa show).

Kapag may sasabihin si Bisaya, dumidikit siya sa tenga ni Tita Malou.

Halos walang boses kasi si Bisaya at ni halos hindi siya makapagsalita.

Nang tanungin ni Tita Malou si Bisaya kung bakit wala siyang boses, sinenyas na lang ng nanay ni Ruffa na mina­lat siya dahil sa kadadal­dal.

Pati si Joey de Leon, nanibago kay Bisaya dahil hindi ito makapagsa­lita kahapon!