Ryzza Mae, napatalon sa kilig kay Gil

Ryzza Mae Dizon
GIL at RYZZA MAE
GIL at RYZZA MAE

TOTOO ang kilig nina Ai Ai delas Alas at Ryzza Mae Dizon kahapon paglabas ni Gil Cuerva sa Sunday PINASaya.

Biglang umentra si Gil sa isang comedy sketch tampok sina Ai Ai, Ryzza, Jose Manalo at Isko Salvador.

Sey ni Ai Ai paglapit ng leading man ni Jennylyn Mercado sa My Love From The Star, “Ang guwapo mo pala sa personal!”

Si Aling Maliit ay parang napapatili at napapatalon sa kilig pagkakita sa Fil-Spanish hunk.

Ang sabi ni Ai Ai, bukod sa guwapo si Gil sa personal ay may star factor ito.

‘Yung tipong kinikilig ka ‘pag nakikita mo ito, parang sina Papa P (Piolo Pacual) at Alden Richards na nakaka-mesme­rize.

Akala namin ay nakipag-selfie si Ryzza Mae kay Gil dahil kiligers siya sa binata, pero nang i-check namin ang Instagram ni bagets ay wala pa siyang post.

Sa IG Stories ni Gil pa kami nakakita ng selfie nila ni Aling Maliit na ang caption nito ay, “Ang cute ni Ryzza!”

Natutuwa ang fans na napapadalas ang guesting ni Gil sa GMA shows dahil mas nagi­ging komportable na sa TV ang pinakabagong Kapuso leading man.

Kahit wala si Jen ay join na rin si Gil sa mga Kapuso provincial show. Ang huli niyang pinuntahan ay Iloilo last weekend.

Tuloy ang pagpapakilig ni Gil gabi-gabi bilang lovable alien na si Matteo Domingo sa My Love From The Star pagkatapos ng Mulawin vs. Ravena.