Tatangkain nina Carlyn Bless Guarde at Vince EJ Tugade ang two-title sweep sa kani-kanilang divisions sa Palawan Pawnshop-Palawan Express Pera Padala Tuna Festival regional age-group tennis championship na papalo bukas, Sept. 2, sa Gen. Santos City Tennis Club.

Tops seeds ang dalawang ace junior players ng Isulan, Sultan Kudarat sa 16 at 18-and-under divisions, pero haharap sa matinding oposisyon sa Group 5 tournament.

Hahamunin si Guarde, 15, nina Patricia Velez, Dana Abad, Jazelle Madis at Winona Cabardo. Si Tugade ay pipigilan nina Janus Ringia, Kylde Lagarde at Wilfred Bentillo.

Pangungunahan ni Minettle April Bentillo, 12, ang girls 14-U cast, at babanderahan ni John David Veles, 12, ang boys 14-U.