Ang biglang nawala ang promise eh ang lalaking maantot ang apelyido na si JK Labajo. Kahit pa nga may haba siyang hanash, mahirap na bigyang-katwiran ang kanyang kakaibang pag-uugali.
Isa pa lang ang hit song, kung makapagmura ka, wagas. Kung ayaw mo ring ma-bash dahil nga palamura ka, I dare you, kill your social media connection, iho, hindi ikaw ang center of the universe. Hindi entitlement ang pagiging bastos ang bunganga lalo na nga’t performer ka, supposedly artist ka, dapat hindi ka salat sa kagandahang asal at mabuting pag-uugali.
May nagsasabing tuwang-tuwa pa nga raw ang mga pinagmumura mo sa concert at ‘yung kawalanghiyaan mong iyan makes you a rock superstar. Isang kanta pa lang superstar na agad? Baka naman biggest one hit wonder kamo?
Nag-react ka pa sa isang blind item. Poot na poot ka, with matching dirty middle finger ka kasi topic ka sa bulag na tsika. Kung ayaw mong ma-blind item, behave! Pakibalikan ang mga tinuro sa iyo sa good manners and right conduct class kung meron ka ngang klaseng ganun at all.
Just because you are young and entitled to do stupid things eh dapat maunawaan kong hindi ka masamang tao kahit palamura ka? My gosh! Ang mali ay mali at mahirap unawain na sa mura mong edad, ganyan ka na. Shame on you!
Dahil sa ginagawa mong iyan, malalaos ka faster than a speeding bullet. Karma is so freaking digital nowadays, you know. Mas mainam siguro, sa buwan ka na lang kaya manirahan. Para malaman mong hindi ka masyadong kawalan.
***
Cristine dumurog ng mga bayag
“I was floored by Cristine Reyes, her stunts, her acting, her sexuality. I’m now a fan!!!” ito ang deklarasyon ni film producer Alemberg Ang sa thread kung saan pinag-uusapan namin ang “Maria,” ang Pedring Lopez directed action flick na nagka-advance screening sa UP Cine Adarna.
Dahil sa pelikulang ito, makikita talaga na ang tapang-tapang ni Reyes dahil kaya niyang makipagbakbakan at sagupaan sa mga lalaking mas malalaki sa kanya and bilang manoonood, kumbinsido ka talagang she can kick ass at dumurog ng mga bayag.
Kung sa Korean action flicks at teleseryes, ang bidang lalaki ang may naliligo under the shower scene, dito si Cristine ang may shower scene na talaga namang oh lalala ang eksena, may pasilip sa bosom at ipinakita pa ang kanyang flat tummy, at in slow mo pa, huh! Kaya sensual na sensual!
Ilan sa mga napagtanto ko matapos mapanood ang pelikula, siguro itong si direk Pedring Lopez, yayamanin at upper middle class ang background. Kasi nga, ang mga kontrabida niya, sina KC Montero, Ivan Padilla at Freddie Webb, English kete English ang dialogues. How refreshing at pati ang enunciation at pronunciation, perfect! And gusto ko ang pagkakontrabida ni Webb dito, iba ang gravitas!
Sa true lang, impressed ako sa katotohanang marunong na palang umarte itong si Cristine Reyes, huh. ‘Di hamak na mas mahusay siya sa the Curtis who cannot act, si Anne na hindi ko sure kung alam ang kanyang ginagawa sa “Buy Bust” at ang super model ang katawan na walang kapaguran sa pelikula niyang nakakapagod kasi walang wawa, si Erich Gonzales “We Will Not Die Tonight.”
Panalong comic at tension relief ang palaging mahusay na si Ronnie Lazaro. Wala talagang small role para kay Lazaro. Bawat pagganap niya, ginagalingan, huh!
Isang tanong, sino ba ang casting director? Paki-explain sa akin kung paano naging anak nina Reyes at Guji Lorenzana si Min-Min? Nagkapalitan ba sa nursery? At ang palayaw niya, parang pang-kitten, huh! Hahahaha!
At ang question of national importance, ‘yung Lily na pangalan ni Cristine bago naging Maria, ano ‘yun, homage sa peanut butter? Hahahaha! O si direk Pedring ay fan ni Mother Lily Monteverde at ni Inay Marya, as in Maricel Soriano?
Over-all, astig, maangas, nangangabog at sobrang entertaining at very pang John Wick ang action sequences ng Maria. Kinarir talaga nila na revenge is best served in a slinky black dress. Very promising!