Kabilang ang singer na si Gerald Santos sa grand finalist ng taunang Music Festival ng “A Song of Praise” o ASOP na ginanap nu’ng November 10 sa New Frontier Theater.
Hindi na bago kay Gerald na umawit ng papuri dahil nagsisimula pa lamang ang ASOP ay nandiyan na siya.
Aniya, “Isa ako sa mga pioneers dito sa ASOP, kumbaga I’ve been singing, I’ve been an interpreter before. ‘Yung launch nila, isa ako sa mga pinaka-una and I’m proud of it.”
Suki na nga umano siya rito at ito ang pinagkakaabalahan niya ngayon kabilang na ang pagti-teatro. Siya ay naging interpreter ng kantang “Pupurihin Kita” na isinulat ni Chris Givenchi Edejar.
Malaki rin umano ang naitutulong ng Praise song sa kanya. Aniya, “Everytime na nag-i-interpret ako nito, nakakatulong siya spiritually for me. Alam mo ‘yun kasi everytime I sing praise songs, talagang nako-comfort ako na God is just there beside me.”
Gayunpaman, kumakanta man siya ng papuri sa Diyos, nilinaw niya na hindi umano siya relihiyoso. Aniya, “I consider myself …. I’m not overly religious pero I’m spiritual.”
“Hindi po ako ganu’n ka-religious. Spiritual, yes … I always pray. Pero wala akong sinusunod na talagang strict na ganito, ganyan so, ayun, sakto lang,” sambit niya.
Anyway, narito ang mga nanalo sa A Song of Praise Music Festival Year 8 Grand Finals Night:
Song of the Year – “Sa ‘Di Mabilang Na Tala”. Composer, Carlo David; Interpreter, Gidget Dela Llana; Cash Prize: P800,000.
1st runner-up – “Tahan Na”. Composer, Rinz Ruiz; Interpreter, Vanz; Cash Prize: Php 300,000.
2nd runner-up – “Sagwan”. Composer, Aiza Narag; Interpreter, Louie Anne Culala. Cash Prize: P250,000.
3rd runners-up – “Don’t Give Up”. Composers, Cherry Labating; Interpreter, Jinky Vidal; Cash prize: P200,000.
Best Interpreter – Ethan Loukas. Cash prize: P50,000.
People’s Choice – “Sa ‘Di Mabilang Na Tala”. Composer, Carlo David; Interpreter: Gidget Dela Llana; Cash prize: P50,000.
Non-winning entries each received P20,000.
Patuloy ang ASOP sa pagbibigay ng inspirasyon sa talents at pagsulong ng original Filipino praise music to glorify the Maestro of Music.
Sina Richard Reynoso at Toni Rose Gayda ang hosts ng ASOP. (Ronaline Avecilla)