SDC

Mula 85% noong Hunyo 2019, bumaba sa 78% ang approval rating ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Setyembre, ayon sa sarbey ng Pulse Asia.

Bumaba rin ang trust rating nito mula 85% noong Hunyo patungong 74% ngayong Setyembre.

Gayunpaman, si Duterte pa rin ang most trusted Philippine official.

Samantala, bumaba rin ang approval (50%) at trust (46%) rating ni Bise Presidente Leni Robredo mula 55% at 52%, parehong noong Hunyo 2019.

Naging 72% ang approval rating at 66% ang trust rating ni Senate President Vicente Sotto III, habang 64% approval rating at 62% trust rating ang natamo ni House Speaker Alan Peter Cayetano.

Tumaas naman nang bahagya ang approval rating ng paretirong Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin mula 41% patungong 42%, habang nagtamo ito nang 34% trust rating.

Ilan sa mga mainit na isyu sa kasagsagan ng paggawa ng sarbey ang good conduct time allowance, paglaganap ng polio at African swine fever, at maugong na pagkamatay sa hazing ni Philippine Military Academy cadet Darwin Dormitorio.

Ginawa ang face-to-face na panayam sa 1,200 representanteng edad 18 pataas nitong Setyembre 16 hanggang 22, 2019.

Ayon sa Pulse Asia, meron itong 95% confidence sa resulta ng sarbey na may ± 2.8 percent error margin.