Sa kabila ng mga negatibong opinyon patungkol sa relasyon ng kasalukuyang administrasyon sa ibang bansa, may isang internasyonal na kumpanya ang kumikilos upang matulungan ang Pilipinas sa laban nito sa droga.
Oo nga at natututo na ang mga Pilipino na makilahok sa mga usaping pulitikal at hindi naman maling magpahayag ng opinyon, ngunit hindi rin maganda kung panay batikos na lang tayo nang walang pinagbabasehan.
Sa halip na tulungan ang kampanya laban sa droga, may mga dayuhan pa na panay rin ang batikos kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa layunin nito.
Pero kakaiba si Mr. Andrew Hoad, isang Briton, na kasalukuyang executive vice president ng Asian Terminals Incorporated. Kamakailan lang ay pinangunahan ni Mr. Hoad ang pagbigay ng P20 million na donasyon sa STI upang simulan ang isang malawakang education campaign laban sa panganib ng droga.
Nakipagkasundo si Mr. Hoad sa CEO ng STI Education Services Group na si Monico Jacob na magkakaroon ng isang ATI-STI “Drug Awareness and Resistance through Education” (DARE) campaign.
Patunay lang ito na gumagawa rin ng paraan ang ibang dayuhan para makatulong sa Presidente upang masupil ang problema ng droga sa bansa.
Mahigit 100,000 na estudyante at 5,000 na faculty members galing sa 78 na iba’t ibang sangay ng STI ang tinatayang makikilahok sa programang ito.
Sabi nga ng chairman ng STI Holdings na si Sir Eusebio Tanco, mas madaling masusupil ang droga kung magtutulungan ang mga pribadong institusyon na labanan ito.
Malaking halaga rin ang P20 million pero ayon kay Sir Tanco, P2 million lang muna ang gagamitin sa unang taon at ang iba ay gagamitin sa mga susunod na taon.
Itong proyektong ito ay patunay na gusto rin namang tumulong ng mga dayuhan.
Kung nagtataka ang iba kung bakit STI ang napiling bigyan ng donasyon, ayon kay Ginoong Jacob, ang STI ay isa sa mga paaralan sa bansa na may maraming mag-aaral mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan. Idagdag pa na ang kanilang mga campus ay nasa sentro ng mga siyudad.
Kung gusto nating maghayag ng opinyon, siguraduhing alam muna ang mga katotohanan sa likod ng mga pinag-uusapang isyu. Dahil habang kinukutya ng marami ang mga ibang bansa, heto sila at nag-aabot pa rin ng tulong.
ANG BILANGNG MGA KATOLIKO SA PILIPINAS AY MGA 87% NG POPULASYON TANUNGIN NYO MGA NAHULI AT GUMAGAMIT NG DROGA PURO MGA MIYEMBRO YAN NG SIMABAHAN KATOLIKO…MALIBAN SA PAMILYA PUEDE RIN MAY PANANA GUTAN ANG SIMABAHAN KATOLIKO SA PAG BABA NG MGA MORAL NG MGA MIYEMBRO NG KATOLIKONG SIMABAHAN?KAYA WAG PURO BANAT!GAWIN NYONG EPEKTIBO ANG INYONG TURONG SIMABAHAN SA BAWAT MIYEMBRO.
Mismo, puro reklamo nag aabang ng kasiraan ng isang tao kaya di tayo makaabante maraming sagabal yan ang kagandahn ng demokrasya tama lahat ng opinyon kahit mali na sa paningin lahat ng tao may kasiraan pero dapat mag focus sa mas importanteng bagay tulad ng mga nagawa na at gagawin pa.