Sa ibang bansa

horses-in-box Andy Sevilla

Kahapon bumalik na sa kanyang trabaho si ­jockey Ernesto Aderes sa Hokkaido, Japan.

Sa lahat ng mga nagpapaalam sa kanilang mga mahal sa buhay, malungkot at masakit sa mga kababayan nating sa ibang bayan pa nagtatrabaho. Pero hindi maiiwasan dahil kailangang kumita para maitaguyod ang kanilang pamilyang iniwanan dito.

Isa si Aderes sa maraming hinete natin na nagsusumikap sa pagtatrabaho ngayon sa iba’t ibang mga farms at training centers sa Japan. Napakalamig doon  dahil sa snow lalo na sa Hokkaido na nagkalat ang horse farms.

Ilan pa sa mga hineteng naroon na matagal nang nagtatrabaho ay sina Miguel Recosana, Joe Noel Camu, Rekrek Hipolito, Andre Sullano, Renato Gil, at Darryl de Ocampo.

Lahat sila ay nakakabalik at nakakapagbakasyon sa bansa taun-taon. Nakasama ni Aderes ang ­kanyang pamilya nang magbakasyon siya dito ng mahigit isang buwan at isang linggo. Ganun din ang iba. Pero mas maganda siyempre kung laging kasama mo ang pamilya araw-araw.

Pero ganyan ang buhay, may kapalit ang lahat ng magandang tinatamasa ng mahal sa buhay ngayong maganda ang ganansya nila sa trabaho sa ibang bansa.

***

Ang mga nominated sa unang yugto ng Imported-­Local Challenge Stakes Series sa ­Linggo sa ­MetroTurf Racing Complex para paglabanan ang naka­tayang P500,000 total prize: Ava Jing Pot Pot, Exhilarated, Haley’s Rainbow, Love Rosie, Und Kantar, Kid Benjie, Lakan, Malaya, at Showtime.