Puwet kung puwet si Kit Thompson sa pinag-uusapang trailer ng 2019 Cinemalaya entry na “Belle Douleur.”

Another May-September affair movie ito na katulad ng hit digital film ng iWant na “Glorious” nina Angel Aquino at Tony Labrusca.

Ang mahusay na aktres na si Mylene Dizon ang kapareha at karomansahan dito ng yummylicious hunk na si Kit.

Sa trailer ay lampas kuwarenta na ang karakter ni Mylene at hindi pa ito nag-aasawa. Na-meet niya ang hunky younger guy character ni Kit na si Josh na bumili ng mga antique na binebenta niya.

Nagklik sila ng bagets. At nang sabihan si Mylene ng friends niya to ‘do something stupid, reckless and irresponsible’ ay pinuntahan niya si Kit at nilaplap niya ang binata.

Mukhang bongga ang love scenes sa “Belle Douleur” at bigay na bigay sina Mylene at Kit. May eksenang bumaba si Mylene sa harapan ni Kit at mainit ang kanilang mga lampungan.

Sa totoong buhay ay 22-anyos si Kit at 42 na si Mylene. Hindi halata na 20 years ang age gap nila dahil gandara pa rin si Mylene sa edad niya.

Comment ng netizens, Pinay na Pinay ang beauty ni Mylene at nag-age siya gracefully.

Palaban ang aktres sa pelikula at “Glorious 2.0” ang dating nito. Okey lang daw ba ‘yon sa nobyo ni Mylene na si Jason Webb?

Si Kit ay dati nang masarap at lalo pang sumasarap. Ang kinis ng puwet ng binatang Fil-Am na 6’1” ang height.

Sey ng na-excite na netizens, bet din nila ng younger lover na kasing-yummy ni Kit.

Bale pa­nga­lawang Cine-malaya film na ito ni Kit after “#Y” nu’ng 2014, na mael-ya ang karakter niya at panay ang batibot niya sa banyo.

“Belle Douleur” (French ng “Beautiful Pain”) unravels the story of a wo­man’s journey of finding happiness as she breaks free from the confines of society that shackles women.

Directorial debut ito ni Atty. Joji Alonso na 15 years nang nagpo-produce ng pelikula. First time nagdirek ng isang full length film ni Atty. Joji at mukhang promising ang debut effort niya.

August 2 to 11 ang 2019 Cine­lamaya filmfest. Sa August 3 ang gala premiere ng “Belle Douleur” sa CCP Main Theater.

Kung dati raw ay puro kabit movies ang napapanood natin, ngayon ay mukhang uso ang old girl-young boy romance.

Ang latest na meron ding gagawin na ganito ay sina Iza Calzado at Jameson Blake para sa iWant.
***

Xian ‘sinapak’
si Cristine

Isa pang malakas ang dating at mukhang promising ay ang teaser trailer ng movie nina Cristine Reyes at Xian Lim na “UnTrue.”

Mukhang bagay talaga sa may temang aksyon si Cristine dahil after ng badass female assassin character niya sa “Maria” ay heto naman ang suspense-thriller na “UnTrue.”

Base sa trailer ay mga Pinoy sila na nagkakilala sa Tbilisi, Georgia tapos ay nagpakasal.

My ekse­nang nag-aaway silang mag-asawa at si­napak ni Xian si Cristine na may kasamang mura. Astig!

Bet daw ito ng netizens dahil parehong hindi pabebe rito sina Cristine at Xian. Mala-foreign movie raw ang dating nito na action pero hindi predictable.

Sana nga ay mag-hit ito dahil floptsina ang huling movie ni Xian with Louise delos Reyes na “Hang­gang Kailan?” at flop din ang “Abay Babes” at “Maria” ni Cristine.

Sana rin ay ma-kabawi rito ang blockbuster director ng “Kita Kita” na si Direk Sigrid Andrea Bernardo, na mahina ang last movie na “Mr. & Mrs. Cruz” nina Ryza Cenon at JC Santos.
***

Matteo kinaawaan
sa desisyon ni Sarah

Hindi magugustuhan ng AshMatt fanatics ang mainit na chika from a source, na kaya raw biglang pumasok sa military si Matteo Guidicelli ay dahil tumangging magpakasal dito ang nobyang si Sarah Geronimo.

Aray koh! Ang sakit, besh!!

Ayon sa chika, niyaya na raw ni Matteo na magpakasal si Sarah pero tumanggi raw ang singer-actress dahil hindi pa raw ito ready to get married.

As in pinapaghintay pa raw ng 30-anyos na dalaga ang 29-anyos na binata na mahigit limang taon na nitong karelasyon.

Kalukring! Kaya ayun, para maging busy ay nag-training na lang daw si Matty at pumasok sa military bilang reservist.

How true na naaawa kay Matteo ang mga kaibigan nito ngayon dahil nagpapakahirap ito roon sa military samantalang hindi naman nito kailangang gawin ‘yon?

Sana ay hindi totoo ang balitang ito dahil ang daming malulungkot.

Sa showbiz na lang, parang lahat ay pabor na magkatuluyan ang dalawa at naniniwalang sa pag-aasawa na ang bagsak ng AshMatt.

PAKK!!