Nagdaos ng Catriona Gray Miss Universe 2018 Homecoming Press Conference sa Novotel Manila Araneta Center nitong Pebrero 20.

Naitanong sa beauty queen kung ano ang maipapayo nito sa kababaihang umiidolo sa kanya at gusto ring maging Reyna tulad niya.

Ani Gray, una umano ay dapat alamin kung ano ang purpose ng ginagawa mo dahil sa buong journey umano ay panghahawakan mo ito.

Pangalawa umano ay maging totoo ka kung ano ang gusto mo o vision tulad umano niya na hands-on sa lahat hanggang sa kanyang isusuot na costume.

Panghuli umano ay kaila­ngang maging “strong mentally” dahil siguradong hindi puro magagandang salita ang maririnig mo sa mga tao lalo na umano at uso na ang social media.

Dapat umano alam mo kung paano ito ipi-filter sa utak mo para hindi ka maapektuhan.

Samantala, isang grand homeco­ming ang inihanda ng Binibi­ning Pilipinas Charities Inc., para kay Gray na gaganapin sa Pebrero 21 at 23.