Sa pagkakakulong ni Frank Lalabas din ang katotohanan – Elmo

abante-tonite-frank-elmo-magalona

AS expected ay si Elmo Magalona ang pinagkumpulan ng media kahapon sa grand presscon ng pelikulang ‘Walwal’ ng Regal Films. Hiningan ng reaksyon si Elmo hinggil sa pagkaka-detain sa kuya niyang si Frank Magalona sa isang presinto sa BGC nu’ng madaling-araw ng Lunes dahil diumano sa panghihipo ng puwet ng isang babae sa bar.

Sabi ni Elmo, “I really don’t have any comments kasi I wasn’t there, eh. Pero I think, he’s really doing something about it. Sana naman.

“But at the end of the day, he’s my brother­. I love him and he has my support.”

Hindi pa raw nakakausap ni Elmo ang kuya niyang si Frank.

Sa tingin ba niya ay capable si Frank na gawin ‘yung ibinibintang dito?

“I don’t think so. I don’t think so. And I’m just here for my brother if he needs me,” pakli ng 24-a­nyos na Kapamilya actor.

May nagtanong kay Elmo kung sa tingin ba niya ay ito ‘yung isa sa negative effects ng ‘pagwawalwal’ (o labis na pag-inom ng alak).

Natawa si Moe at sey niya, “It’s a different topic­, pero ‘yun lang ang masa­sabi ko.”

Nalungkot ba siya sa nangyari kay Frank?

“Siyempre, wala naman tayong gustong marinig na ganyan, pero ‘yun lang po talaga ang masasabi ko,” safe pa ring sagot ng binata nina Francis at Pia Magalona.

Anong suporta ang binibigay niya sa kanyang Kuya Frank?

“Kahit ano pong support like words of advice or kung bakit siya napunta sa gano’n or ganyan. Basta if kailangan niya ako, I’ll be there for him.”

Ayon pa kay Moe, ang wish niya ay, “Sana lang, mawala na ‘yung topic du’n and wala lang. I just wanna be back in the topic of ‘Walwal’.”

At ang mensahe niya para kay Frank?

“Para sa kuya ko, he has my back talaga. Siyempre, he has my support.”

Nabanggit din ni Elmo na sa bandang huli ay alam niyang lalabas din ang katotohanan.

“This thing that’s happening, eventually, may papasok na bad stuff. Pero like I said, truth will come out naman. Truth always comes out, ‘di ba?

“So, whatever is happening right now, lilipas din ‘yan.”

Ayon kay Elmo ay close sila ni Frank tulad din ng pagiging close niya sa iba pa niyang kapatid. Siyempre ay may mga bonding moment daw silang magkuya.

Okey naman daw ang kanilang Mommy Pia after the incident. Pupunta raw dapat ito sa presscon kahapon, kaya lang ay busy ang mom niya sa restaurant business nito.

Nakauwi na si Frank sa bahay, ‘di ba?

“Yeah, he’s back home,” sambit ni Moe.

Ang sabi naman ng ‘Walwal’ co-stars ni Elmo na sina Kiko Estrada, Jerome Ponce at Donny Pangilinan, they got Elmo’s back.

Naging very close silang apat na boys nang gawin nila ang nasabing barkada movie, kaya suportado raw nila ang isa’t isa. Sa June 27 ang showing ng ‘Walwal’ sa mga sinehan nationwide.

Samantala, ayon sa pulisya na may hawak ng kaso ni Frank sa Southern Police District sa Taguig City, ang reklamong acts of lascivious­ness na inihain ng girl na nagreklamo ay ibinaba na lang sa unjust vexation.

Matapos maimbestigahan ni Frank ay pinakawalan din daw ito kaagad at hindi na kinailangang magpiyansa pa.

Hindi namin alam kung magsasalita pa si Frank hinggil sa isyung ito, pero­ hanggang kahapon nang hapon ay walang inilabas na anumang statement ang pamilya Magalona tungkol dito.