Tanging ang mga hanga­l lamang umano ang maniniwala sa kanyang “biro” na nakipag-­usap sa kanya ang Diyos at pinapangako siyang­ itigil na ang pagmumura, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte kahapon.

“Ang mga buang, naniwala rin. Hindi naman ako Bar topnotcher pero ‘di naman ako ganoong kagago,” wika ng Pa­ngulo sa kanyang speech sa isang event na itinaguyod ng Integrated Bar of the Philippines.

“Ang paborito ko sa Davao magbiro ng kung ano-ano,” dagdag nito sa ulat ng ABS-CBN.

Magugunitang sinabi ng Pangulo noong nakaraang linggo sa kanyang pagbalik sa bansa­ mula sa opisyal na biyahe sa bansang Japan, na nakipag-usap sa kanyang ang Diyos habang lulan siya ng eroplano at pinapangako siyang itigi­l na ang pagmumura, dahil kung hindi ay magka-crash ang eroplano.

Kilala si Duterte na laging nang nasasahugan ng mura ang mga speeches na kadalasan ay patama sa kanyang mga kritiko at hindi exempted dito si President Barack Obama ng Amerika.

54 Responses

  1. May sayad talaga si lolo kanor. ???

    Pero may totoo kahit papaano sa mga sinabi nya. Naniwala talaga yung mga hangal, at ang mga hangal na iyon ay mas kilala sa tawag na…. DUTERTARDS!. haha!

  2. Exo 20:7 Thou shalt not take the name of the LORD thy God in vain; for the LORD will not hold him guiltless that taketh his name in vain.

    Deu 5:11 Thou shalt not take the name of the LORD thy God in vain: for the LORD will not hold him guiltless that taketh his name in vain.

      1. Our compassionate God does not force anyone to obey Him

        Gal 6:7 Be not deceived; God is not mocked: for whatsoever a man soweth, that shall he also reap.

      1. wiw lumalalim ang hugot mo kuya ha?sino ba ang sinsabi mo si Duterte ba binibiro ang Diyos? feeling kaw lang yan ngiisp sincere ang leader natin about God.

  3. paano mong irerespeto ang taong walang respeto pati Diyos di na nya nirespeto di ako nagmamalinis marumi din ako pero me takot ako sa Diyos. so sapalagay mo narvaez tama yung ginawa niya? ipaliwanag mo

    1. Ako na lang magpaliwanag sa abot ng aking makakaya… baka hindi ka masagot ni narvaez eh…. Kung sinasabi niyang biro yun, eh di tapos ang usapan… naririnig at nalalaman ng panginoon ang lahat ng nangyayari maging kung ano ang nasa kalooban ng isang tao diba.. naniniwala ka sa Diyos dahil kamo takot ka… Alam ng Diyos kung ano ang nasa Puso ni Duterte at sa katotohanan na wala siyang ginagawa para turuan ng leksyon ang Pangulo sa kanyang ginagawa at sinasabi ay nauunawaan ng Panginoon ang nasa puso niya… Ang Diyos na kilala namin ay mapagpatawad at walang hinahangad na masama para sa kanyang mga nilikha.. maliban na lang kung ibang Diyos pala ang tinutukoy mo..

  4. Mga buang lang talaga siguro ang maniniwala sa mga binitiwang salita ni Duterte katulad ng pagkalas sa relasyon ng Pilipinas sa US at EU. Biro din ang sinabi niyang 3 of us, Russia, China at Philippines against the world. Biro din ang sinabi niyang lilinisin niya ang krimen droga at korupsyon in 3 to 6 months. Biro din ang sinabi niyang mag re resign siya sa pwesto kapag hindi niya natupad ang pangakong 3 to 6 months at magpapabaril pa daw siya kapag hindi natupad ito. Alin ang tutoo at alin ang biro sa mga pinagsasabi ni Duterte? Ang pangulo ng isang bansa magpa pahayag ng mga salita at sasabihing biro lang? At tatawagin pang mga buang ang maniniwala sa kanyang mga binitiwang salita? Welcome sa biro biro republic.

    1. Eto ang hindi biro ng Presidente…napasuko niya ang napakaraming addicts at pushers… maraming nakulong na drug related personnel… nabawasan ang corruption sa maraming sangay ng gobyerno.. nagkaroon ng sophisticated emergency hotline at sumbungan ng ordinaryong mamamayan laban sa empleyado ng mga sangay ng gobyernong hindi maayos ang serbisyo… nagkaroon ng maraming investment not only from asia but also around the world… nagkaroon ng magandang liderato sa PNP thru Gen. Dela Rosa… nabawasan ang krimen sa lansangan at maging ang pinapasok at pinapatay para pagnakawan na mga ordinaryong mamamayan.. mabilis ang aksyon sa kalamidad kagaya ng sa lawin… mga basic na lang inilalagay ko at baka di mo maintindihan yung iba.. hindi rin biro ang napauwing mga OFW’s na matagal na naka stranded sa Saudi Arabia… may peace process ngayon sa mga kalaban ng pamahalaan para magkaroon na ng kapayapaan… natatakot na ang mga international syndicate mag operate sa Pilipinas… at napaka rami pang iba… na sau ay joke at yung biro ay seryoso…

  5. Ng sinabi mo iyan ay di pag bibiro. Alam namin kung biro or hindi. Ang gusto mo lang ay mag pa awa at akala mo ay makakaya mong di mag mura. Mahal mo ang magulang mo at tanong ko lang ay kung pinalaki ka ng ganyan. Kapag may mali ka ay aminin mo at huwag pa ligoy ligoy na palusot. Sabagay walang ATTORNEY na di NAG SI SINUNGALING.

      1. ganyan ang kulto. isang tao lang ang kanilang sinasamba. kahit alam nilang maling mali na ya tama pa rin sa kanila. kaya nga pinagtatawanan na lang siya ng ibang bansa na nakakabasa sa mga sinasabi nya.