Noong isang linggo pa marami nang nagtatanong sa atin sa text o cellphone kung kailan daw yung susunod na WTA sa MetroTurf na merong carry-over na mahigit P1.8-million.

Puwede nang sagutin ito na sa Sabado na ila­lagay ang carry-over sa nag-iisang WTA event na pag­lalabanan sa Malvar, Batangas. Pagdiriwang ito ng KASAPI Benefit Racingfest at Chistmas Party.

Puwede nang maghanda ang Bayang Karerista sa WTA event at tiyak na makakapag-concentrate ang lahat dahil iisa lang ang paglalabanan.

Kaya galingan ninyong lahat dahil P1.8-million ang carry-over diyan. Hindi yan tatanggalan ng tax kundi idadagdag yan sa neto ng WTA na paglalabanan ngayong Sabado.

Kung sakaling P10-million ang magiging grose, pag tinanggal ang tax ay matitirahan pa ng halos P7-million, saka naman idadagdag yung P1.8-million na carry-over.

Aba, malaking istorya yan kaya nga balita namin ay maraming horse owners at trainers ang umaa­sinta ngayong makasali sa 10 karerang gagawin sa Sabado para mapasama sila sa WTA event na may carry-over na P1.8-million.

Ang bulong sa atin nung isang owner ay kung may makakabuo? Paano nga naman daw kung six points lang? Tiyak na tiyak na sasambulat ang unang­ WTA na paglalabanan niyan sa susunod na araw ng Linggo na siya namang 3rd Pasay – The Tra­vel City Cup.