Magrespetuhan naman tayo sa isa’t isa.

Pakiusap ito ni Se­nate President Aquilino ‘Koko’ Pimentel III matapos na hindi nito magustuhan ang nangyaring asaran at sigawan nina Sens. Alan Cayetano at Antonio Trillanes sa pagdinig kamakalawa  ng Senate commite on justice and human rights kaugnay sa extrajudicial killings.

Partikular na hindi nagustuhan ni Pimentel at tinawag niyang “foul” ang ginawa ni Trillanes na pagpatay sa mikropono ni Cayetano.

“Yung pinapatay pa yung microphone, ‘yun po yung hindi magandang makita, kasi ang Senado e legislative body po ‘yan. Talagang ang mga weapons dyan mga salita kasi deliberative body talaga yan. Pero sana po wala na po yung physical interference, ng physical space ng tao na aabot ka at papatayin mo ‘yung mikropono noong tao,” ayon kay Pimentel.

Dahil dito, apela ni Pimentel sa mga kasamahan na panatilihin ang respeto sa isa’t isa upang matiyak na magiging produktibo ang Senado at hindi maapektuhan ng anumang mga personal na hindi pagkakaunawaan.

“Kasi kung wala kaming respeto sa isa’t isa mahirap po kaming maka-achieve ng anything,” dagdag pa ni Pimentel.

Nag-ugat ang banggaan matapos  kuwestiyonin ni Trillanes ang mahabang pagtatanong  ni Caye­tano sa witness  na lumampas na sa 10 minutong itinakdang oras ng komite.

Samantala, may payo naman si Senate Mino­rity Leader Ralph Recto sa publiko na huwag agad maniwala sa mga testimonya ng mga  whistleblower bagkus dapat mapatunayan muna ang alegasyon.

Kaalinsunod na rin ito sa pasabog ng isang self-confessed member ng Davao Death Squad  na si Edgar Matobato kontra kay Pangulong Rodrigo Duterte partikular ang pagdawit sa extra judicial killings sa Davao City.

“My advice to the public is not to immediately believe in testimonies of whistleblowers. He or she must prove his allegations first,” ayon pa kay Recto.

37 Responses

  1. This unproductive attitude is not surprising, Trillanes has done this in a number of occasions. Remember his disrespect to the late Gen Angelo Reyes in a senate hearing? Mutiny at the Residences in Makati and also at the Manila Peninsula? His argument with the Old man Enrile? Just to name a few.

    In my province we call .this attitude KABASTUSAN,

    1. Mayabang ba yung pinaglalaban ang katotohanan? Hindi ka ba nanood hah? Kitang kitang si Trilyones ang hambog. Hindi daw papa pormahin tapos pinatayan pa ng mic. Mga disenteng mayayabang.

  2. malinaw sa galaw ni trillanes na may vested personal interest ito sa imbestigasyon…hahaha nagrequest agad sya na makakuha ang record sa city hall about ghost employee noong sinabi ng witness na may ghost employee si DU30 dahil isa ito sa kanyang alegasyon kay DU30 noong nakaraang kampanya…halatang manipulado ang witness…hahaha para makuha ni trillanes ang gusto nya…

  3. Ang napapansin ko lang sa EJK hearing, inaakusahan ni Cayetano ang chair ng komite na si Delima ng pag aabogado sa state witness na siya rin namang ginagawa ni Cayetano. Siya rin naman ay nag aabogado sa panig ni Duterte dahil nililito niya ang witness. Alam naman niyang grade 1 Lang daw ang inabot nung witness pero ang mga tanong ni Cayetano pang cum lauded sa college. Kaya nga hanggang hitman lang ang kaya niya dahil sa hindi nakapag aral. Halimbawa na lang yung masking tape. Pinapili niya sa sandamakmak na sample kung alin dun ang masking tape na hindi naman isinama sa pagpipilian. Si Cayetano nga ni hindi niya alam kung ano ang tawag dun sa pinili ng witness dahil kinunsulta muna niya ang mga staff niya Kung ano ang tawag dun sa tape na packing tape pala. Nililito niya ang witness sa mga teknikal na tanong.

    1. kung nanonood ka ng balita sa TV naungkat ang education background ng witness, hindi umano ito Grade 1,,hihihi kaya sabi ni senator recto wag maniwala agad sa sinasabi ng witness,lumalabas sa record ng city hall na
      si matobato ay high school graduate at nagtrabaho bilang casual employee sa davao city hall…GRADE ONE BA KAMO?!

      1. ang bobo si trillanes,haha bakit nagsundalo sya nagkodeta,tapos naglabas ng 200 milyon na saving ni DU30 di naman pala totoo,ambobo di ba?hahahaha si cayetano abogado yan hindi nagkodeta yan naaayon sa batas sinasabi nya sa hearing..hhaha eh di matalino sya…magaling talaga

    1. nipis nyo. bastos ba kamo? eh yung mga pinapatay mga suspek mahihirap pusher at adik daw na utos ni duterte an u tawag mo dun? mas gugustuhin ko na mabastos at ikaw na lang mapatay engot!

    1. nipis mo. bastos ba kamo? eh yung mga pinapatay mga suspek mahihirap pusher at adik daw na utos ni duterte an u tawag mo dun? mas gugustuhin ko na mabastos at ikaw na lang mapatay engot!

      1. ang tawag don buti nga sa mga adik at pusher at drug lord na mamatay sa police operation ! fyi ang mga namamatay sa EJK ay pawang kagagawan ng hitman ng mga druglord…kapag nahuli bata nila 99.9% kakanta yan manganganib na mahuli sila kaya pinapatay nila yan. hahaha anong tawag mo sa taong adik, pusher at druglord? sagot: desente…hahahaha

      2. Gag* rin to e no. Adik yun kaya dapat lng mawala mga yan. Utak ng mga yan halang.Parang ikaw, comment palang adik na. Sabihin mo yan pag napatay at narape ang anak mo ng adik.