Sa wakas umamin na rin si Kim Chiu sa tunay nilang relasyon ni Xian Lim.
Sa Tonight With Boy Abunda, tinanong ni Kuya Boy kung bakit hindi raw ba maamin-amin nila Kim ang tunay na estado ng relationship nila ni Xian.
Nagbiro pa nga si Kim, na mahirap daw para sa isang tulad niyang 28 years old ang umamin. Pero bandang huli ay sumagot na rin si Kim ng ‘Oo’ na sila nga ni Xian. Hindi lang niya klinaro kung kelan pa sila naging mag-jowa.
Sambit pa ni Kim hindi pa raw nila pinag-uusapan ang kasal. Priorities daw nilang pareho ay career muna.
Siguro raw ‘pag nasa 30s na sila ni Xian baka sakaling mapag-usapan na ang planong pagpapakasal.