Saan ka ligtas?

Bangon na, Joel Reyes Zobel

Merong mga pa­nawagan na mag-armas ang mga pari kasunod ng mga insidente nang pagpatay sa kanilang hanay.

Sa nakalipas na pitong buwan, apat na pari ang binaril, tatlo sa kanila ang napatay habang isa ang malubhang nasugatan.

Noong Disyembre ng nakaraang taon, binaril at napaslang si Father Marcelito Paez sa Nueva Ecija.

Ikadalawampu’t siyam naman nu’ng Abril, si Father Mark Ventura ang tinodas habang nakikipag-usap sa kanyang mga parishioner matapos ang misa sa Lalawigan ng Cagayan.

Si Father Richmond Nilo ay binaril kamakailan sa harapan ng altar habang naghahanda sa kanyang misa sa Zaragosa, Nueva Ecija. Namumukod tanging si Father Rey Urmaneta ng Calamba, Laguna ang nasugatan at nakaligtas. Naaresto si Adel Milan na siya umano’y gunman sa kaso ni Father Nilo. Si Milan ay positibong itinuro ng isa sa mga sakristan na siyang bumaril sa pari.

Itinatanggi naman ni Milan ang bintang. Me­ron daw siyang fraternity brother na makapagpapatunay na sila’y nag-iinuman ng oras na pinatay si Father Nilo. May alibi ang suspek. Ang ginamit na dahilan ay ang pinakamadalas na gamiting palusot ng mga pinagbibintangang pumatay. Kadalasang hindi ito tumitindig sa korte kumpara sa direktang pagturo ng isang testigo.

Meron na ring mga balita na ang ilang pari sa Laguna ay nagkakarga na rin ng baril para depensahan ang kanilang sarili, bagama’t wala pang kumpirmas­yon sa balitang ito.

Handa naman daw ang PNP na bigyan ng lisensiya at permit to carry firearm outside of residence ang mga pari kung sakaling hihilingin nila ito bunsod ng banta sa kanilang buhay.

Hindi naman sang-ayon ang Catholic ­Bishops Conference of the Philippines o CBCP sa pag-aarmas ng mga pari. Ang mga pari raw ay mga alagad ng kapayapaan at hindi pinahahawak ng mga sandata ng karahasan.

Sa totoo lang, ako ay naniniwala na ang bawat nilalang ay nilikha ng Panginoon dahil meron itong dahilan, meron itong layunin.

Ang bawat nilalang ay binibigyan ng kaparehong karapatan maging mga pari man na mapa­natili at pangalagaan ang kanyang buhay.

Ang layunin ng mga pari ay ipagkalat ang salita ng Panginoon.

I believe it’s a perso­nal call kung hahayaan nilang maging biktima ng krimen o pigilan ang mga magtatangka na sila’y gawing biktima ng krimen. Sabi ng CBCP, ang solusyon ay ipahinto ang kriminalidad.

Hayaan daw gawin ng pulis ang kanilang trabaho. Ewan ko lang sa kaparian, pero maraming self defense enthusiasts ang pinipi­ling magbitbit ng baril kesa magbitbit ng pulis.

They know something about evil na ta­yong mga ordinaryong mortal ay hindi alam. Ang bigat ng pulis ah. Kadalasan malaki pa ang tiyan. Carry a gun and fight back or act like sitting ducks?

Ang pipiliin mo ay maaaring magligtas sa buhay mo o maging dahilan ng iyong kamatayan.