Isa ang sisig sa mga patok na ulam lalo na sa pulutan. Kaliwa’t kanan na nga itong inihahain sa mga kainan o restawran.

 

Ano nga ba at saan nagsimula ang sisig?

 

Ang salitang sisig ay galing sa salitang “sisigan” na ang ibig sabihin ay ‘gawing maasim.’
Isa itong ulam na gawa sa ulo ng baboy at mga gulay.

 

Ang sisig ay unang nagawa sa Lungsod ng Angeles, Pampanga. Una itong naimbento ni Lucia Cunanan o mas kilala sa bansag na Aling Lucing “Sisig Queen.” 

 

Maraming paraan ng pag­luluto nito, pero ang pinakasimpleng sisig ay pinakukuluan, iniihaw, at niluluto bago kainin. Mula o gawa ito sa balat ng ulo ng baboy o maskara, tenga na dinadagdagan din ng konting atay ng manok.

 

Ang orihinal na sisig ay ginagamitan ng giniling na utak ng baboy upang mamuo at ­hindi masyadong tuyo at magkakahiwalay. Pero ngayon ay ginagawa nang alternatibo ang ­mayonnaise.
Sizzling sisig
Mga sangkap:
 
2  kilo  ulo ng baboy
2 kutsara mantika
2    kutsara tinadtad na bawang
½   tasa tinadtad na sibuyas
¼ tasa tinadtad na siling labuyo
¼   tasa tinadtad na inihaw na atay
½     kutsarita patis pantimpla
1    tasa sukang puti
1     kutsara liquid seasoning
½   piraso pork bouillon cube
1 kutsarita dinurog na paminta
1    tasa tubig
1      piraso itlog
mayonnaise
 
Paano iluto?
Sa pagluluto ng sisig, iniihaw muna ang ulo ng baboy o ang maskara upang matanggal ang mga balahibo nito. Paku­luan hanggang sa lumambot at tadtarin. Igisa ang bawang, sibuyas, sili maskara at atay.
Timplahin ng patis, suka, seasoning, bouillon at paminta. Buhusan ng sapat na halaga ng tubig at hayaang lumambot nang husto. Ihain sa pinainit na sizzling plate at lagyan ng mayonnaise at itlog sa iba­baw.