SAAN nga ba nanggaling si JC Santos?

JC Santos

SAAN nga ba nangga­ling si JC Santos na third wheel sa JADINE tele­serye na Till I Met You?
Star na star siya sa teatro . Maraming babae at beki

ang nagkakagusto sa kanya.
Totoo bang meron din siyang girlfriend na taga-teatro?

“At least, hindi boyfriend katulad ng role niya sa TV,” sabi ng kaibigang reporter.

***

Lalong umiigting ang mga ganap sa afternoon teledrama ng GMA 7 na Sa Piling ni Nanay.
Mahal na rin ng batang si Maya/Katherine si Scarlet (Katrina Halili).

Aakalain ni Jonas (Mark Herras) na pera na lang ang habol ni Ysabel (Yasmien Kurdi) at hindi na si Maya.

Ilalayo ng mga Mercado kay Ysabel ang kanyang anak.

Hu! Hu! Hu! Hu! Hu!

Ben-Hur, inalipusta ng kritiko

Wagi pa rin sa takilya ng North America last weekend (Agosto 19-21) ang Suicide Squad.
Tatlong weekend na itong #1 sa takilya!

More or less eh naka-$20.7M ito last weekend, kaya ang domestic gross nito eh $262.3M approximately.

Sa international market eh naka-$310.4M na ito, kaya ang worldwide total eh tinatayang $572.7M na.

Last weekend nagbukas ang remake ng Ben-Hur, na inalipusta ng mga kritiko.
Flop ito!

Semplang!

More or less eh $11.35M ang opening weekend gross ng pelikula, na ang estimated budget eh $100M.

Tsk! Tsk! Tsk! Tsk! Tsk!

***

Gaano katotoo na itong napabalita na ang magaling na  aktor na nagpapa-booking ay nambu-booking na rin?

Pero kung siya ay walang tawad sa ba­yad sa  kanya, siya naman ay halos gustong malibre ang booking niya.