Dear Abante Tonite:
Nasa 12.2 milyong pamilyang Pinoy naniniwalang sila ay mahirap kaya karamihan sa ating mga Pilipino ay ­lumalaking mahirap kaya patuloy ang buhay nila sa ­kahirapan at wala silang matinong trabaho dahil sila ay ­hindi nakapag-aral o kaya hindi nakapagtapos ng ­“highschool” kaya walang tumatanggap ng trabaho sa kanila.

Mayroon ding mga nakapagtapos ng pag-aaral ngunit ­naging mahirap dahil sila ay walang mahanap na ­trabaho dahil walang bakante o kaya naman ay tinatamad at pinipili nalang na umasa sa tulong ng gobyerno imbis na magtrabaho.

Wala rin silang matinong tirahan kaya sila ay ­palipat-lipat o kaya pakalat-kalat sa kalsada at hindi rin nakakakain ng tatlong beses sa isang araw minsan tinitiis nalang nila ang gutom o kaya kumakain ng tiratirang pagkain mula sa nakolektang basura.

Mas maganda siguro kung bibigyan natin sila ng isa pang pagkakataon upang sumabay sila sa atin sa pag-unlad.
Bigyan natin sila ng magandang trabaho para sila ay makapag simulang mag-ipon at makaahon muli sa ­kahirapan. Kapag ito ay nangyari wala natayong ­makikitang Pilipinong nahihirapan, nagugutom, walang permanenteng tirahan at umaasa balang sa gobyerno.

Ang ating bansa ay uunlad at mababawasan ng ­problema.
Stephen Arci Villasoto