BINOMBA ni Jonah Sabete ang PH Air Force sa likod ng 15 points – lahat attacks – at 10 digs para igiya ang PetroGazz sa 25-20, 2515, 25-14 repeat win sa 3rd PVL Open Conference 2019 2nd round elims Miyerkoles nang gabi sa The Arena, San Juan City.

Sa muling pagpapabagsak ng PG sa PAF gaya nitong Setyembre 1 via straight sets, kinalsuhan ng una ang kambal na kamalasan at sinaayos na ang Final 4 cast sa midseason women’s volleyfest sanhi ng 10-4 win-loss record.

“Going to this last part of second round gusto ko talaga ‘yung mindset ng mga players ko nakatutok,” ani Angels coach Arnold Laniog, na sinamahan sa semis ang defending champion Creamline (14-0) at BanKo (10-5), nilibre na rin sa pag-entra ang Motolite (9-5). (Aivan Episcope)