Sabete, Prado, Gazz hinilamusan ang BP

Pinangmumog lang ulit nina Jonah Sabete at Jovielyn Prado ang BaliPure para makopo ng PetroGrazz ang 25-20, 25-11, 25-16, sa 3rd PVL Open Conference 2019 2nd round elims kagabi sa FilOil Flying V Centre, San Juan City.

Humampas si Sabate at Prado ng tig-12 puntos upang pabagsakin ang Purest Water Defenders tungo sa 11-4 win-loss na tangang record sa pagsemento sa ika-2 puwesto sa midseason women’s volleyfest, sinalya ang biktima sa 4-12 at matrapik sa ikawalo.

Tanging si Menchie Tubiera lang ang nagpakita ng sipag mga magtutubig sa nilaklak na siyam na 9 puntos. (Aivan Episcope)