Sabio inareso ng NBI sa graft

Inaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) si dating Presidential Commission on Good Government (PCGG) Chairman Camilo Sabio sa bisa ng bench warrant of arrest inisyu ng 4th Division ng Sandiganbayan kaugnay sa isang execution of judgement sa isang kasong kriminal na nakabinbin sa korte.

Si Sabio, 83, ay inaresto ng NBI-Technical Intelligence Division (NBI-TID) sa kanyang bahay sa Quezon City noong Hunyo 5.

Nakasaad sa warrant orders ng law enforcement agency na “Arrest the person of Camilo L. Sabio who may be found at 48-B Biak na Bato street, Sta. Mesa Heights, Quezon City and bring him before this Court to be dealt with as the law and Rules of Court direct”.

Isinagawa na umano ang kaukulang booking procedures sa NBI head office, at dinala si Sabio sa Sandiganbayan kaya lamang ay pansamantalang nakasara ang Sandiganbayan dahil sa isinasagawang pag-disinfect sa lugar dahil sa COVID-19 kaya ibinalik siya sa NBI detention center.

Muling dadalhin ngayon si Sabio sa Sandiganbayan.

Si Sabio, na chairman ng PCCG noong 2005 hanggang 2010 ay sabit sa kasong paglabag sa Anti- graft and Corrupt Practices Act sa Sandiganbayan sa panahon ng kanyang panunungkulan.(Juliet de Loza-Cudia)