Sabong bawal pa

Bawal pa ring buksan ang mga sabungan kahit saan sa Pilipinas, ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya.

Ayon kay Usec. Malaya inabisuhan na ang mga lokal na pamahalaan na huwag munang payagan ang mga sabong sa kanilang mga lugar hangga’t wala pang direktiba ang Inter-Agency Task Force on Emerging and Infectious Diseases (IATF).

“Bawal po ang sabong hanggang ngayon,” ani Malaya sa isang virtual briefing.

Dagdag pa ni Malaya, nakarating sa DILG ang ilang ulat na may mga lugar na pinayagan na muli ang pagsasabong kaya pinaalalahan niya ang mga ito.

“Our advice to the various LGUs, mag-antay po tayo ng kaukulang direktiba sa IATF bago po natin payagan ang operasyon ng mga sabungan o cockpit arenas whether in a GCQ area or MGCQ area,” ani Malaya. (Riz Dominguez)