Sabong ‘di sagabal sa pag-aaral

USE-THIS-ELECH-DAWA-DALUSAPI

Elech Dawa

Magandang sabong mga klasmeyt, nakaraang linggo bigla kong naalala ‘yung panahon na nag-aaral pa ako… eh kasi naman habang umiinom ako ng softdrink sa isang maliit na tindahan ay nakita ako ang isang estudyante na may hawak na manok.

Nanay niya pala ‘yung nag-abot sa akin ng softdrink at kanila ‘yung tindahan, narinig ko sinabi ng nanay sa anak at tuwang-tuwa ito dahil mataas ang grado ng kanyang anak at narinig ko rin na bibigyan daw siya ng pambili na ipapares sa kanyang manok dahil gusto nu’ng bata na mag-breed, nasa high school ‘yung estudyante at dalawang taon pa ay papasok na sa kolehiyo.

Kaya ko ito ikinukuwento ay para malaman ng iba na hindi masama ang maging sabungero, hindi masama ang sabong at lalong hindi lahat ng sabungero ay puro sugal ang nasa isip.

May nagsusugal pero ginagamit ang isip, may nagsasabong para makilala at mapalago ang negosyo. Sa madaling salita nasa tao kung paano dalhin ang pagiging sabungero… tulad nu’ng bata, narinig ko nagsasabong talaga pero hindi pinapabayaan ang pag-aaral. Kaya naman suportado siya ng kanyang ina… ganyan din kasi ako mga kasabong, sabungero ako pero nakatapos naman ako ng kolehiyo sa Lyceum of the Philippines University sa Intramuros.

Marami rin akong mga kamag-anak na mga sabungero pero nakatapos ng pag-aaral, ‘yung iba hindi pinababayaan ang pamilya at karamihan ay masagana ang kanilang pamumuhay. Kaya ako taas noo kong sasabihin na SABUNGERO ako.

***
Congratulations sa mga sabungerong tatay na may mga anak na nakakuha ng honor at nakapagtapos ng pag-aaral. Mabuhay kayo!
***
May 2-Cock Derby sa Angeles Cockpit Arena ngayon baka gusto niyo dumayao para magtrabisya, meron din sa Pasay City Cockpit, ikakasa ang Encuentro Sa Pasay/Finals pili na lang kayo mga kasabong kung saan kayo malapit.