Sabrina M.
                     Sabrina M.

TIMBOG sa drug raid ang dating bold star na si Sabrina M.

The WHO si Sabrina M? Sa mga Millenials na hindi siya kakilala, click niyo na lang ang favorite niyong search engine at dun niyo mababasa ang kanyang filmography.

May filmography ­talaga siya, huh.

Sa isang entertain­ment portal, ­posted rito ang isang ­surveillance video kung saan ­kitang-­kita si Ms. M na gumagamit ng pinag­ba­­bawal na droga. ­Obviously, she was not so ready for her close up at yung confused at dazed look niya while wearing an orange shirt, hindi ako sure kung greatest performance of her life na.

Ang emotada encarnacion niya kasi sa lara­wan, eh parang line from an Imelda Papin song na “huwag mo akong tignan na para bang luluha ka.”

Ano kaya ang reak­syon ng mga mahal niya sa buhay sa ­pangyayaring ito? Sa mga artistang hindi pa rin ­tumitigil sa kanilang drug ­habit, naku, ‘wag na kayong mag-antay na kayo naman ang kalusin. Magbagong buhay na kayo.

***

Dahil nga ­primera gimikera ang Reyna ­Splitera Mystica, walang masyadong nanalig sa kanyang video lamentations na ‘mahirap’ na siya at ‘walang makain.’

Sa isang social networking site niya ipina­labas ang kanyang pagsusumamo. Hindi ko alam kung may mga tumulong sa singer or ang video aria was dismissed by the majority as one of her many gimmicks para nga pag-usapan.

Ngayon naman, ano­ther video has surfaced, siyempre, crayola in 88 colors si Mystica, nasa hospital na ang eksena, at ang kanyang anak na si Stanley, nakaratay sa kama dahil may malubha itong karamdaman.

Again, she is ­asking for financial aid. Napa­nood na kaya ni QC Mayor Herbert Bautista ang kanyang video? Sana may magsabi kay Bautista nito para his office can offer assistance.

Saan ba nakatira si Mystica? Sino ba ang congressman in her district para rin matulu­ngan siya.

Mystica
Mystica

Kesa pag-isipan niyo na this is a scam or ano­ther gimmick para mapag-usapan siya dahil nga bordering na siya on being a finality the WHO, pwede niyo namang i-verify ang claims niya sa hospital kung saan nakaratay ang kanyang anak.

Paging, ­Bryan Boy, yes ikaw nga. Para naman may mainam kang magawa sa kaba­bayan mo, tulungan mo si Mystica at ang anak niya. Sure naman akong afford na afford mong bayaran all their hospital expenses dahil belonging ka na sa jetset crowd ‘di ba? Mayaman ka na neng, kaya tulong na para naman maka­bawi ka.