Hawak na ni Sachzna Laparan ang titulong “Miss ­Flawless” ng Millennials. Pina-revive ni Lito Camo sa baguhang ­singer-actress ang nasabing kanta. Ito ay pinasikat dati ni Angelica Jones .

Sa September 2 ay ilulunsad ang music video ng Miss Flawless. Makakasama ni Sachzna ang Ex Battalion at si Sinon Loresca. ­Sinuportahan ito ni Direk Raymond ‘RS’ Francisco at ng Frontrow.

Ginastusan ang naturang music video na kinunan sa Thailand. Mapangahas si Sachzna sa nasabing video dahil meron itong topless scene.

Bukod sa Miss Flawless niluluto na rin ni Direk RS ang ­pag-remake ng pelikulang ‘Tagos ng Dugo’ ni Vilma Santos. Gusto niyang iprodyus ito para kay Sachzna.

Ngayon pa lang kabado na ang sikat na social media influencer­ sa naturang proyekto Pressure para sa kanya dahil­ pinagbidahan ‘yun ni Ate Vi.

Todo ang paghahanda ni Sachzna sa naturang­ proyekto.Gagalingan daw niya at ibibigay ang best niya.

Hindi pa kumpirmado kung sino-sino ang mga lalaki na makakasama niya pero bet daw niya si Aljur Abrenica na maging leading man. Buong ningning din niyang sinabi na crush niya ang aktor.

Sey naman ni RS posibleng gawin ang naturang pelikula bago matapos ang taon o sa first quarter ng 2020. (Roldan Castro)