Natutunugan na ni Harrison Barnes na nasa trading block siya, pero naglaro pa rin sa Dalls Mavericks noong Feb. 6, bisperas ng trade deadline, kontra Charlotte Hornets.
Fourth quarter nang matanggap ni Barnes ang balitang nai-trade na siya sa Sacramento.
Mas nauna pang nalaman ng fans, sa pamamagitan ng sunod-sunod na tunog ng kanilang cellphones, ang nakumpletong trade.
Nanatili pa si Barnes sa bench ng Mavs, pinanood ang 99-93 win ng ilang minuto lang ay magiging ex-teammates na niya.
Hanggang third ay nakapagsumite si Barnes ng 10 points.
Ipinalit ng Kings sina second-year forward Justin Jackson at veteran forward/center Zach Randolph.
Maganda ang work ethic ni Barnes, marami siyang kasangga sa Mavs.
Scoring leader ng Dallas si Barnes, 26, sa nakaraang dalawang seasons. Ngayong 2018-19 ay nag-a-average siya ng 17.7 points per game.
Bago ang deadline ay kinuha rin ng Kings si Alex Burks mula Cleveland Cavaliers bahagi ng three-team trade kasama ng Houston Rockets.
Bumata ang Kings, puro 30 pababa na ang nasa roster. Pinakamatanda si Nemanja Bjelica na mag-31 sa May.