SAF kinalat sa Metro Manila, bantay sa mga pasaway

SAF kinalat sa Metro Manila, bantay sa mga pasaway

Ikinalat ang mga Special Action Forces (SAF) commando sa sampung lugar sa Metro Mnaila kung saan nakapagtala umano ng maraming pasaway sa enhanced community quarantine (ECQ) at social distancing.

Ayon kay Joint Task Force COVID Shield commander Lt. General Guillermo Eleazar, ang pagpapakalat ng aabot sa 116 SAF commando ay inaprubahan ni Philippine National Police (PNP) chief General Archie Gamboa, na ang utos ay masiguro na susunod sa ECQ ang mga tao upang mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

“They will assist the local police in enforcing the ECQ. We believe that the presence of our SAF commandos will further compel hardheaded people to behave and follow the ECQ because our SAF are tough and strict when it comes to discipline,” pahayag ni Eleazar.

Dagdag niya, “Our SAF men have the authority to arrest violators of our ECQ Guidelines. As have stated before, there will be no double standard in the implementation of our ECQ so regardless of your social status, you will be arrested if you violate the home quarantine.”

Hinati ang nasabing bilang ng SAF trooper sa 12 team at ikinalat ang mga ito sa mga lugar kung saan madaming pasaway sa ECQ at social distancing na kinabibilangan ng public market sa Blumentritt, Manila; Libertad , Pasay City.

Kabilang din ang Pasig Palengke; public market sa Napindan at Lower Bicutan sa Taguig. Gayundin ang public market sa Las Piñas City; North Caloocan; Alabang Public Market; Bagong Paranaque Public Market; at Marikina Public Market.

Sinabi pai Eleazar na posibleng madagdagan pa ang bilang ng mga SAF trooper na kanilang ikakalat depende umano sa sitwasyon ng isang lugar.

“We are assessing the situation on the ground on a daily basis. With the approval of our Chief PNP, we could increase the number of our SAF personnel in the coming days depending on the situation on the ground,” saad ni Eleazar

Ayon naman kay SAF Director Maj. Gen. Amando Clifton Empiso na kasamang umikot upang i-deploy ang kanyang mga tauhan, bukod sa kanilang ikinalat kahapon ay mayroon pa silang standby forces na handing tumulong sa lokal na pulisya sakaling kailanganin.

“Your SAF has always been in the frontline in any kind of battle, we are willing to do our share to win this fight against COVID-19, this time, in helping in the enforcement of the necessary measures to ensure that the virus is contained,” pahayag ni Empiso. (Edwin Balasa)