Ito ang pamantayan ng Philippine Sports Commission kaya tinengga muna ang opening ng four-leg 11th Philippine National Youth Games o Batang Pinoy Championships sa July 9-15 sa Oroquieta City, Misamis Occidental.
“We just like to inform all concerned that the Mindanao leg Batang Pinoy is put on hold,” pahayag ni PSC Chief of Staff at Senior Executive Assistant to the Chairman Ronnel Abrenica. “The PSC will issue announcement should there be development or until the situation in Mindanao is finally cleared and safety has been established.”
Nangangahulugan din aniya na tigil-usapan muna ang ahensiya sa mga nakikipag-uganayan sa kanilang sa mga namamahalang opisyal sa palarong para sa mga kabataan at out-of-school youth edad 17 pababa.
Giniit ni Abrenica na hindi susugal ang PSC para sa kaligtasan ng mga kabataan mula sa iba’t ibang lugar sa Mindanao lalo sa pagtungo ng mga ito sa Oroquieta City kahit malayo ito sa Marawi City.