Namahagi ng mga polyeto ang Bureau of Fire Protection (BFP) sa mga residente ng Quezon City para mabigyan ng tamang kaalaman ang publiko kung paano maiiwasan ang sunog bilang bahagi ng kanilang mga hakbangin ngayong Fire Prevention Month.
Kabilang sa mga fire safety tips ng BFP para masiguro ang kaligtasan ay iwasan ang mga octopus connection, alisin sa saksakan ang mga de-kuryenteng kagamitan kapag hindi na ginagamit, i-check ang hose ng liquefied petroleum gas, iwasang manigarilyo sa loob ng bahay kapag nakainom, patayin ang nasindihang kandila bago matulog at huwag iwanang nakasindi kapag umalis ng bahay, maglagay ng fire extinguisher at tubig sa drum sa loob at labas ng bahay.
Una nang inihayag ng pamunuan ng BFP na umakyat na sa 67 katao ang nasawi sa mga sunog na naganap sa bansa ngayong 2019 na mas mataas ng 113% kumpara noong 2018.