Saguisag: UAAP 83 bomalabs

Dahil sa mga patakaran ng national government at iba pang mga ahensiya nito, nangangapa pa rin ang University Athletic Association of the Philippines (UAAP) para sa 2020-21 o 2021 Season 82 sa papasok ng unang quarter ng taon.

Ito ang isiniwalat ni league executive director Rene Saguisag Jr. sa panayam ng Spin.ph kahapon.

“There are many options being considered by the Board of Managing Directors and one of those is the opening of the UAAP in the first quarter of 2021,” anang opisyal.

Pero iyon ay nakabatay pa rin sa mga magiging takbo ng coronavirus disease 2019 sa mundo, at maging sa bansa.

“We’re guided by: 1) the Presidential directive (Inter Agency Task Force) prohibiting mass gatherings; 2) the Philippine Sports Commision statement of ‘no vaccine, no sports’; and 3) the earlier Department of Edducation pronouncements that face-to-face or in-person classes can only begin on August 24 at the earliest while Commission of Higher Education says its September 1 for higher education institutions (HEIs),” lpanapos niyang litanya. “Of course, once face-to-face classes do start, you have to give a window for the student-athletes to prepare.”

Nakansela ang kalahatian ng Season 82 ng eight-school league noong Marso dahil sa Covid-19 pandemic. (RC)