ANG daming kinilig sa sagutan sa Twitter nina Carlo Aquino at Angelica Panganiban kahapon at ang feeling ng iba, mukhang nanliligaw na ulit ang aktor sa ex-girlfriend.
May tweet kasi si Angelica na “ikamamatay ko itong kaba na nararamdaman ko” na ewan kung ano ang pinatutungkulan.
Tila si Carlo nga lang yata ang nakakaintindi sa tweet ni Angelica dahil makahulugan ang sagot ng aktor.
“Hindi ka naman namatay. Bumangon ka sa paghimlay. Pinakita mong sila ang patay pag nakabangon ka!” ang tweet ni Carlo.
Umani ng katakot-takot na comments ang tweet na ito ng aktor. May nabasa kaming “mejo kinikilig ako kahit lalaki ako”, “destiny kayong dalawa. . .imagine for so many years destiny na you’re both single,” “nakakakilig talaga kayong dalawa.”
Sa thread naman ni Angelica ay may nagtanong ng “Ooohh my God … Nanliligaw nb sau ulit c @carloaquino11 bka kmi una mahimatay.”
Luis sa kasal kay Jessy: ‘Kung baga sa biyahe, nasa itinerary’
“DEFINITELY soon,” ang sabi ni tungkol sa kasal nila ni Jessy Mendiola nang makausap ng ilang press after ASAP last Sunday.
Medyo umiingay na kasi ang isyu ng kasalan sa kanila dahil sa post ni Jessy Mendiola na nakasuot siya ng wedding gown sa isang photo shoot.
Ang daming nagtatanong tuloy ngayon kung engaged na sila ni Luis.
Pero ayon sa TV host, wala pa siyang maibibigay talaga na exact date sa ngayon.
“Kung baga, it’s in the immediate plans, kung baga sa biyahe, nasa itinerary ‘yan,” sambit pa ni Luis.
Pero kung siya ang tatanungin, anytime raw ay ready na siya at ang sinusunod lang niya ay ang timeline ni Jessy, kung kelan ito ready.
Tungkol sa engagement, ani Luis ay secret pa raw ‘yun.
“Secret na ‘yun kung kelan mangyayari. Sabi ko nga sa kanya, “mangyayari ‘yun pag naka-ano ‘yung card mo.” Siyempre, ‘pag tinatanong ng lahat, mas nag-e-expect. So, kung kelan mo least expected saka mangyayari.”
Kung sakali, destination wedding of course ang gustong lugar ni Luis pero baka raw hindi dito sa Pinas. Pero siyempre, kailangan din muna silang mag-ocular sa lugar bago mag-decide.
Juday at Iza, pataasan ng slit sa 34th Star Awards for movies
KAALIW ang kulitan nina Judy Ann Santos at Iza Calzado during commercial break sa katatapos lamang na 34th Star Awards for Movies ng PMPC (Philippine Movie Press Club) held at Resorts World Hotel and Casino last Sunday.
Si Juday ang isa sa hosts habang si Iza naman ang anchor. Parehong naka-gown ang dalawa na may mahabang slit. Biro ni Juday, “parang puputok na ang puson ko,” sabay-tawa.
Ilang na ilang ang dalawa habang nakatayo sa stage at hinihintay ang break.Sey ni Juday, “hindi po kasi ako sanay na nagga-gown.”
Sagot naman ni Iza, “ako rin.”
Sambit pa ni Iza, “love your body” sabay-display ng slit pero makikita mo naman silang dalawa na panay ang hila sa slit nila.