Sahod muna bago 4-day work week

paying-salary

Mataas na sahod at pagbabawal nang tuluyan sa kontraktuwalisasyon o endo ang kailangan ng mga manggagawa at hindi ang apat na araw na trabaho sa loob ng isang linggo.

Ito ang iginiit ni Anakpawis party-list Rep. Ariel Casilao matapos ipasa ng Kongreso ang House Bill 6152 o compressed work week bill, kung saan imbes na 5 araw kada linggo ang pasok ay magiging 4 na araw na lamang subalit mula sa kasalukuyang 8 oras na trabaho kada araw ay magiging 10 oras na ito.

Gayunpaman, sinabi ng mambabatas na hindi ito ang kailangan ng mga manggagawa kundi mataas na sahod.

“Instead of railroading an anti-worker legislation, it should railroad the prohibition of contractualization of labor or ending “endo” and enact a national minimum wage of P750 for workers across the country,” ani Casilao.

Hindi na, aniya, sapat ang halos P491 na arawang sahod ng mga manggagawa dahil mataas na ang presyo ng mga bilihin.