Para masigurong may mga magagaling na doktor na magtatrabaho sa mga itatayong rehabilitation center sa mga rehiyon sa bansa, plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na tapatan ang suweldo ng mga doktor na nasa pribadong sektor.
Ayon kay Pangulong Duterte, ang katotohanan ay dapat tanggapin na may mga doktor ang ayaw magsilbi sa gobyerno dahil sa mababang sahod at para maengganyo umano ang mga ito na pumasok sa mga public hospitals ay pagtaas ng sahod ang solusyon.
“Sa halip na pagsilbihan ang mga dayuhan, mas makabubuti kung uunahin muna ng mga doctor at nurse ang pagbibigay ng kalinga sa mga Filipino na nalulong sa illegal na droga,” pahayag ni Pangulong Duterte.
Sinabi ng Pangulo na kasabay ng pagpapatayo ng mga rehab center ay pagkuha rin ng mga doktor.
Una rito, inatasan na ng pangulo ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippines na maglaan ng tig-isang ektaryang lupa sa bawat regional military camp para gawing rehabilitation centers.
mas gusto nila magwork sa government hospital kc dun sila nagpra private clinic at dun din sila nag oopera, pero ang singil nila sa pasyente ay private rate. at ginagamit pa nila ang supplies ang government hospital. kaya sa mga pasyenteng mahihirap, wala ng magamit at pinabibili na lang sa labas ng ospital. sa botika na pag aari pa ng duktor sa loob ng ospital. dami ganyang duktor ang practice. kawatan din sila sa gobyerno.