All Saints’ Day sa Pilipinas

Ang All Saints’ Day ay tinatawag ding Feast of All Saints. Ito ay sine-celebrate taon-taon tuwing November 1 ng Roman Catholic Church.

Ang Pilipinas ay may hawig sa Mexican tradition na tinatawag na ‘Dia de los Muertos’ o Day of the Dead at sakop nito ang All Souls Day.

Ang All Saints’ Day ay araw ng pag-alala, pag-alala sa mga mahal sa buhay na pumanaw na, at higit sa lahat ito ay pagbibigay respeto sa mga pumanaw na.

Sa araw na ito, ang mga simbahan sa Pilipinas ay nagmimisa at novena. Nagpapadasal upang mapunta sa kala­ngitan ang mga kaluluwang naliligaw.

Pagtapos ng novena ay nagpupunta ang mga pamilyang Filipino sa sementeryo kung saan nakalagak ang kanilang mahal sa buhay na namayapa.

Nag-aalay ang mag-anak ng kandila, bulaklak, picture at kung minsan ay lobo sa puntod ng kapa­milyang pumanaw na. O kung ano man ang makakapagpaalala sa kanila sa pumanaw na mahal sa buhay.

Ang iba ay nagpi-picnic sa tabi ng kanilang kamag-anak na nakali­bing sa sementeryo upang gunitain ang araw na ito.

Dahil ang paniniwala ng mga Filipino ay ang namayapang kamag-anak ay nandiyan lang at naglilibot upang bantayan sila.

Sa ibang tao, ito ay isang emosyonal na araw sa kadahilanang naaalala nila ang sakit nang pagkawala ng mahal nila sa buhay.

Kaya ngayong All Saints’ Day, gunitain natin at alalahanin ang magagan­dang alaala ng ating mahal sa buhay na pumanaw na.