Sakit ba ang pagkakaroon ng maraming GF? (2)

Walang Echos

Hi Dra. Holmes,

Ang bf ko pala ay may maraming gf. Halos lahat niyaya ng sex. Tinanggap ko na nga na pangalawa lang ako pero may iba pa pala siya. Dapat ako ang magalit pero ‘di ako naga­lit. Nararamdaman niyang sakit na ‘yun at ‘di na normal. Paano po ba madala siya sa isang specialist/doctor? Jo Ann

Dear Jo Ann:

Maraming salamat sa sulat mo, na pinublish natin nang buo noong nakaraang Sabado, Dec. 15. Ang huli kong tanong sa iyo ay kung nakakasigurado ka ba na talagang naniniwala siya na may sakit siya?

Tinanong ko ‘yun sa iyo dahil ‘di lahat ng tao ang naniniwala na ang lalakeng may mara­ming gf o asawa ay may sakit. Kung may sakit kasi siya, ibig sabihin ay ‘di niya kasalanan at hindi talaga siya kaila­ngang “parusahan” sa pamamagitan, halimbawa, na walang sawa mong pagtanggap ng kanyang walang katapusang pagtataksil sa iyo.

Maraming naniniwala na ang “sakit” na ito ay hindi talaga sakit pero isang dahilan na ginagamit lang ng isang tao para ‘di lang magalit ang gf niya na nalaman ang katotohanan, pero maawa pa sa kanya!

‘Yan ang dahilan kaya tinanong ko sa iyo kung pala­gay mo talagang naniniwala siya na may sakit siya.

Kasi kahit na totoo na may sakit siya o wala, ang mahalaga ay ang paniniwala niya.

Kung hindi siya naniniwala na wala talaga siyang sakit, kung ginagamit lang niya itong dahilan dahil gusto niyang magpatuloy mangaliwa, hindi makaka­tulong ang kahit sinumang espesyalista, kahit na gaano siya kagaling.

Kaya ang pinakamahalaga ay malaman na ano talaga ang layunin ng iyong bf—gusto ba niyang gumaling? Handa ba siyang magkaroon ng isang gf o isang asawa lang?—bago ka mag-commit sa kanya. To be continued.

***

Magpakonsulta ng libre sa tanyag na psychologist na si Dra. Margie ng personal at maging guest sa kaniyang talkshow na i-eere sa aming facebook at youtube accounts! Magpasa ng sulat na naglalaman ng ilan sa iyong hinaing tungkol sa relasyon at sex life, sa aming email: abante.walangbolahan@gmail .com