“None issue” para sa ilang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang iniindang migraine ni Pangulong Rodrigo Duterte na naging dahilan para hindi nito mapuntahan ang ilang aktibidad.
Ayon kay House committee on suffrage and electoral reform chairman Sherwin Tugna, hindi nila ginagawang issue ang sakit na ito ni Duterte dahil nagagawa naman nito nang maayos ang kanyang trabaho.
Maliban dito, sinabi ng kongresista na hindi maiiwasan na sumakit ang ulo ni Duterte dahil sa dami ng kanyang trabaho dahil kung limitado aniya dati sa Davao City ang kanyang obligasyon, ngayon ay buong bansa na ang kanyang inaasikaso.
“Sa dami ba naman ng iniisip ng ating Pangulo, hundred plus million, talaga gusto niyang tulungan kaya mas talaga sa ulo kaya intindihin na lang natin. Sa kasalukuyan maganda ang epekto sa ating bansa eh, investor confidence, nareresolba ang criminality. Maganda ang improvement ng ating bansa,” ani Tugna.
Sa panig naman ng Davao based na si Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate, bago pa man tumakbo si Duterte sa pinakamataas na posisyon sa bansa ay inamin na nito sa sambayanan na mayroon siyang migraine matapos itong madigrasya noon sa motorsiklo.
“Kaya none issue na itong migraine niya. Inamin naman niya na mayroon siyang migraine,” ani Zarate.
Malamang na kaya napapadalas ang pagsakit ng migraine ni Duterte dahil kung noong mayor ito ay hapon hanggang gabi lang ito nagtatrabaho ngayon ay naiba na ang sitwasyon na ito ng bansa.
Ang sakit niya ay std na kumalat sa utak niya sa sobrang libog niya
paano ung sakit sa utak ni duterte,,may gamot pa ba doon???