Mga laro ngayon:
(Smart Araneta Coliseum)
4:30pm — Rain or Shine vs. TNT
6:45pm — Phoenix vs. Ginebra
Pasabog ng 41 points, 22 rebounds, 7 assists, 5 blocks at 2 steals si KJ McDaniels sa kanyang PBA debut nang ihatid ang TNT sa 135-107 win laban sa Blackwater nitong Miyerkoles.
Ang downside ay napuwersa sa maraming error ang dating NBA campaigner, nasa ilalim ng kanyang pangalan ang 9 sa 17 turnovers ng KaTropa.
Sa kaagahan ng Governors Cup, gustong i-correct agad ng TNT ang turnovers ng import. May nakikita na agad silang solusyon.
“He has to give up the ball early,” ani coach Bong Ravena. “Dapat ‘di masyadong tumatagal ‘yung bola (sa kanya). Kasama sa adjustment. Sasabihan naman namin, ikot ang bola. Hopefully next game it would be different, less turnovers.”
Ang next game ay mamaya na sa Smart Araneta Coliseum din, kontra 1-1 Rain or Shine sa unang laro ng Saturday Special.
Galing din sa panalo ang Elasto Painters, bumawi sa Columbian Dyip 96-90 nitong Linggo.
Mula sa field ay 16 of 24 si McDaniels, 3 for 6 sa labas ng arc at 6 of 11 sa free throws sa loob ng 43 minutes.
Nagliyab din si RR Pogoy sa 9 of 14 shooting tungo sa 22 pts., halos mag-triple-double si Jayson Castro sa isinumiteng 17 pts., 9 rebs. at 12 asts.
Makakatapat ni McDaniels si Joel Wright na kumana ng 30 pts. at 10 rebs. laban sa Dyip. Mangunguna sa locals ni coach Caloy Garcia sina Rey Nambatac na may 17 markers nitong nakaraan, Mark Borboran, Javee Mocon at bagong saltang si Ping Exciminiano. (VE)