Dahil hindi na maaaring ilipad sa Manila para maikulong sa New Bilibid Prison (NBP), pumayag ang Sandiganbayan na makulong sa Provincial Jail ang 81-anyos na dating gobernador ng Antique na si Jovito C. Plameras.

Unang nasentensyahan si Plameras ng 6 taon hanggang 10 taong pagkakabilanggo noong Dis­yembre 2, 2008 matapos mapatunayang guilty sa kasong katiwalian dahil sa false certification sa delivery ng mga grade school desk at armchairs na nagkakahalaga ng P5.67 million noong Mayo 1997.

“Considering the testimony of Dr. Tonogan and the medical report of Dr. Dizmon…, there is no more imperative need for the continued hospital detention of the accused. The medical findings merely show that the accused is not fit to travel by air,” ayon pa sa resolusyon ng Sandiganbayan.