Sakripisyo ni Katrina nagbunga ng korona

Itinanghal si Katrina Llegado bilang Reina Hispanoamericana Filipinas 2019 sa katatapos na Miss World Philippines 2019.

Ang 21-year-old na nagtapos ng cum laude sa De La Salle University ang isa sa candidates sa naturang beauty pageant na nagpakita ng angking kagandahan, bukod pa sa kanyang intelligence, poise at kakaibang charm.

Isa si Katrina sa early favorites sa pageant at kabilang sa ilang awards na nakamit niya rito ang Top Model, Best in Evening Gown, Miss Cabalen at Miss Photogenic.

Labis ang kagalakan ng dalaga at hindi siya halos makapaniwala sa natamong korona base sa post niya sa kanyang Instagram account.

“I still can’t believe that finally i have a crown! All sacrifices, hard work, and determination really paid off. I’m so excited to represent FILIPINAS! Maraming Salamat sa lahat ng tumulong at sumuporta sa akin! Thank you @msworldphil organization for entrusting me with this crown. This is just the beginning.”

Bagay na bagay si Katrina para maging kinatawan ng Pilipinas dahil bukod sa kariktan ng dalaga, ang kanyang kaseksihan ay isa sa magiging panlaban ng kinatawan ng bansa sa Bolivia.

Umaasa si Katrina na maging ikalawang Pilipina na mapanalunan ang titulo bilang Reina Hispanoamericana. Unang napanalunan ito ni Winwyn Marquez ngunit luhaan naman dito last year si Alyssa Muhlach Alvarez. Muli kayang maiuwi ni Katrina ang korona, this time? (Nonie Nicasio)