AABANGAN kay Kris Aquino ang pagtatanong kay Presidente Digong ukol sa Marcos burial gayong apektado rito ang pa­milya mismo ni Kris at isa ang kapatid niyang si PNoy sa mga marubdob na nag-rally laban dito.

Ibang klase talaga si Kris.

Gagawa at gagawa ng mga bagay na pag-uusapan.

Kahit ba isakripisyo ang paninindigan ng pamilya?

***

Sari-sari ang reaksyon sa pagiging columnist ni Mocha Uson sa isang broadsheet.

Magandang idea na pagtapatin sila ni Agot Isidro sa isang live forum or on-the-spot writing contest.

Ang tanong, magka-level ba sila?

Hindi naman yata!

***

Ano ang nangyari kay Manolo Ped­rosa?

Parang nakakain ng isang sakong bigas nang mag-host kahapon sa Umagang Kay Ganda kasama ang balingkinitang si Marlo Mortel.