Salaam TV inilunsad sa Mindanao

Inilarawan ng Presidential Communications OpeĀ­rations Office (PCOO) na historical moment ang pagkakalunsad sa Muslim-based broadcast station na Salaam Television ng gobyernong Duterte.

Nagpahayag din ng kagalakan si PCOO Secretary Martin Andanar na sa wakas ay inilunsad na ang Salaam Television kahapon alinsunod sa pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Binigyang-diin ni Andanar na layon ng Salaam TV na mabigyan ng kaalaman hindi lamang ang mga Muslim pati na rin ang mga Kristiyano kaugnay ng mayamang kultura, sining at tamang ideolohiya at pamumuhay ng mga Muslim.

Napapanahon din, ayon sa PCOO, ang pagluĀ­lunsad ng Salaam TV ngayong umiiral ang Martial Law sa Mindanao.