KASAMA ko sina Direk Joel Lamangan at Tony Mabesa, mga kaibigang Noel Ferrer at Arnel Ramos, literal na dingding lang ang pagitan namin kay Direk Gil Portes, isang masayang hapon.
Inihatid namin ang dalawang direktor na Bliss ang panoorin, nagbigay-pugay pa ang grupo namin sa kanya.
Sinong mag-aakala na ‘yun na pala ang huli naming pagkakataong makikita si Direk Gil?
Maraming beses kong nakasalamuha si Direk Gil sa mga Cinemalaya film screenings.
Legendary ang kanyang ‘temper’ at occassional ‘pagtataray’ sa CCP at sa mga pelikulang kanyang pinapanood.
Sa mga press conferences na aking dinaluhan kung saan siya ang direktor ng pelikula, laging colorful at interesting ang kanyang mga kuwento.
Thank you, Direk Gil Portes dahil sa mga iniwan mong natatanging pelikula.