Good news ang ginawang paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa batas tungkol sa libreng matrikula sa state universities and colleges (SUCs) o ang ‘The Universal Access to Quality Tertiary Education Act’.

Sa ilalim ng batas, magiging libre na ang edukasyon sa lahat ng SUCs sa bansa.

Magkakaroon ng realignment ng budget para mapaglaanan ng pondo ang pag-aaral sa mga SUCs.

Matatandaang tinutukang mabuti ng economic adviser ng administrasyong Duterte ang panukala kaya muntikang abutin nang mag-lapse pero naagapan nang pirmahan nitong gabi ng Agosto 3 ni Pangulong Duterte.

Kaya kahapon nang ianunsyo ay marami ang natuwa sa pagsasabatas sa free tuition fee sa SUCs kabilang ang mga nagsulong sa panukala sa Kongreso, gayundin ang iba’t ibang grupo ng mga estudyante na matagal nang nakaabang sa pagsasabatas ng panukala.

Mangangailangan ang gobyernong Duterte ng tinatayang P100 bilyon, ayon sa Department of Budget and Management (DBM) para tustusan ang batas para sa libreng matrikula sa SUCs.

Malaki-laking pondo ang gugugulin sa batas, gayunpaman ay ina­prubahan pa rin ito ng Pangulo dahil sa paniniwalang matibay na poste at pundasyon ng social development policy ng gobyerno ang edukasyon.

Dahil sa ipinasang batas, mas marami ng mag-aaral sa kolehiyo na kapos sa buhay ang magkakaroon na ng pagkakataong maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.

Kaya ang hangad natin ngayon ay maging kapaki-pakinabang sana sa mga estudyante sa SUCs ang batas na ito upang makatulong sa pagsigla ng sektor ng edukasyon at kalaunan ay maghahatid ng pag-asenso sa buhay ng bawat mamamayang Filipino.

2 Responses

  1. Wow good job mr.president hulog k tlaga ng langit para mga kapos palad na walang ipapa-aral ang mga magulang para sa kanilng mga anak hindi tlga kami nagkamali sa pagpili sa iyo kung noon kp san tumakbo matagal na sanang umasenso ang mga Pilipino.