“Thank you all for your vote of confidence; it is because of you and for you that we are in this position”.

Ito ng reaksyon ni Vice President Leni Robredo matapos makakuha ng 62% trust rating sa survey ng Pulse Asia noong Hulyo 2 hanggang Hulyo 8 sa apat na sulok ng bansa na halos doble sa 35.1% na naitala bago ang halalan noong Mayo.

Sa nasabing survey, lumalabas din na 11% sa mga respondent ang walang tiwala kay Robredo habang walang masabi ang natitirang 27% kung saan nakapagtala ito ng 72% sa Visayas, 65% sa National Capital Region (NCR), 61% sa Mindanao at 58% sa Luzon.

“We are overwhelmed by the outpouring of support from our fellow Filipinos. From 1% in the pre-election surveys to 35.1% — and now, a trust rating of 62%,” ayon pa kay Robredo.

Sinabi ng Pangalawang Pangulo na hindi niya bibiguin ang sambayanang Filipino sa tiwala at mandato na ipinagkaloob sa kanya noong nakaraang eleksyon.

One Response

  1. Farce Asia! Ayan na…inu-umpisahan na ang pag-papabango ke Rob-bredo ng CIA para maging tuta ng America! Halatang ngimi ngayon si Pres Duterte sa pagbatikos sa mga kano na malimit at bukang bibig sa pagtuligsa sa kanila noong hindi pa siya pangulo! Malamang mailaglag siya sa di tamang pahon kung hindi siya titigal sa kakabanat sa mga Kano! Me kalalagiyan ka kapag sumuway ka sa ipinag-uutos ni Uncle Sam!