Salamat sa umento

Epektibo kahapon, Nobyembre 27, ay may bago nang minimum wage sa dulong bahagi ng kataga­lugan na mas kilala sa acronym na Mimaropa.

Magandang pamasko ito sa mga kababayan natin. Kahit pa sabihing P20 at P12 lang na umento ito sa araw-araw na basic pay, pandagdag gastos pa rin.

Sakop ng Mimaropa o Region 4-B sa Luzon ang mga probinsya ng Mindoro (Occidental at Orien­tal), Marinduque, Romblon at Palawan. Kasamang magpapatupad ng minimum wage increase ang mga siyudad ng Puerto Princesa at Calapan.

Sabi sa desisyon ng Regional Tripartite Wage and Productivity Board (RTWPB), ang mga negosyo at kumpanya na wala pang 10 ang empleyado ay inuutusang magdagdag ng P12 kada araw sa basic paya para maging P283 ang bagong mini­mum wage.

P20 naman na umento sa mga kompanya na 10 pataas ang bilang ng empleyado kata P320 na ang bagong minimum daily wage.

Pero sa Pebrero 1, 2019 ay magbibigay ulit ng dagdag pang P11 sa daily minimum wage ang mga kompanyang ang empleyado ay wala pang 10 kaya sa susunod na taon ay P294 na ang kanilang mi­nimum wage.

Ito raw kasi ang kailangang suweldo ng mga pribadomg empleyado para makaagapay sa sumi­sirit na inflation rate.

Inaral daw mabuti ang ‘cost of living’ sa mga probinsyang ito saka binalanse sa kakayanan ng mga employers.

Maraming salamat sa umento. Pero sana ay hindi nga makalumpo sa mga negosyo at maliliit na kompanya ang umento sa Mimaropa.