Sa halip na magpaliwanag o magpalusot pa, dapat harapin ng Department of Education (DepEd) ang katotohanan na problema pa rin ng bansa ng illiteracy o hindi marunong magbasang mag-aaral, ayon kay Albay Rep. Joey Salceda.
“‘Yung point ng DepEd, hindi naman daw no read, no write, ang ibig sabihin noong cannot read sa sarili nilang evaluation,” ani Salceda.
Paglilinaw ng kongresista, hindi niya sinisisi ang DepEd ngunit ang hindi aniya aminin at takasan ang katotohanan ay mas higit na hindi nakatutulong sa problema.
Pinakamainam umanong gawin ng DepEd ay gumawa ng mga kaukulang pagbabago.
Kaya naman, ayon kay Salceda, tinutulak niya ang Comprehensive Education Reform Agenda na magbibigay ng komprehensibo at de-kalidad na edukasyon sa bansa.
Hiling pa ng kongresista sa DepEd na pag-aralang mabuti ang kanyang panukala at gumawa ng kanilang rekomendasyon at tiyakin na humarap sa Kamara kapag sisimulan na ang pagdinig sa nasabing isyu. (Eralyn Prado)