SALITA NG TAON: NO MObile PHOne phobia o ‘nomophobia’ bansag sa mga adik sa cellphone

Kung ikaw iyong tipo ng tao na ‘di mapakali kapag ‘di bitbit ang cellphone ay pupuwedeng dumaranas ka o may taglay na ‘nomophobia.’

Ang salitang ito ay mula sa pinaghalong syllables na ‘NO MObile PHOne phobia’ na ang ibig sabihin ay sobrang aburido kapag walang bitbit at gamit na cellphone.

Napili itong word of the year ng Cambridge Dictionary matapos iboto ng mga users nito mula sa Tokyo paikot sa London at u­mabot din sa New York nang pasikatin ng British media.

“We add thousands of new words and definitions every year, and we were eager to give our users the opportunity to express their views on the words that best reflected this year’s trends and events,” sambit ni Wendalyn Nichols, Cambridge Dictio­nary publishing manager.

Nadaig ng katagang nomophobia mula sa mga blog reader at social media follower ng Cambridge Dictionary ang salitang ‘gender gap’, ‘ecocide’ o pagpinsala sa mga natural environment at ‘no-plaforming’ na ang ibig sabihin ay iwas sa mga ideyang ina­akala nilang nakakasama.