Salonga pumiyok kay Tetay

cHirit ng mga netizen, si Lea na ba ang papalit sa Queen of All Media na si Kris Aquino?

Nilinaw naman ni Lea ang isyu. Aniya, “Why? I don’t understand why because… I’m doing a different variety of (pangalan ng sabon). They’re introdu­cing a brand new variety, a brand new variant, a brand new thing.”

Dagdag pa niya, walang palitan na magaganap bagkus ay nadagdag lamang siya.
Sa panig naman ni Kris, tinanong siya ng isang netizen kung bumitaw na siya bilang endorser ng detergent brand na ito.

Base sa sagot ng aktres, mukhang totoo na binitawan na niya ang brand matapos magpa­salamat dito sa halos 14 na taon nilang samahan.

Hindi naman ito kawalan sa kanya lalo na at naibahagi niya na mayroon siyang bagong mga produkto na i-eendorso. (Ronaline Avecilla)